Graduating Civil engineering student sa bayan ng Mercedes nanumpang Barangay Kagawad bilang kapalit ng yumaong ama

CAMARINES NORTE – Nanumpa bilang bagong kagawad ng Barangay VII sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte ang graduating civil engineering student na pumalit sa naiwang pwesto ng yumaong ama.

Siya si Christine S. Ablaneda 23 anyos na isa sa mga batang regular member ng Barangay Council sa naturang bayan.

Nanumpa ang nakababatang Ablaneda sa harap ni Mayor Alexander Pajarillo kahapon sa presensya ni Local Government Operations Officer VI Vencer Krystian Guerrero at buong Barangay VII council.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Kasunod yan ng resolusyon ng konseho na nagrerekomenda sa nakababatang Ablaneda na pumalit sa pwesto yumaong ama makaraang pumanaw noong May 29 ng taong kasalukuyan.

Batay sa resolusyon, nagdulot  ito  ng permanent vacancy sa Sangguniang Barangay.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Ito ay alinsunod sa section 45 ng Local Government Code of 1991 na nagsasaad na sandaling magkaroon ng permanent vacancy ay magtatalaga  ng bagong miyembro ng konseho ang Alkalde batay naman sa rekomendsyon ng Sangguniang Bayan.

PHOTO COURTESY: Municipality of Mercedes – Public Information Office