DOH Bicol, target na mabakunahan ang aabot sa 95% ng mga kabataan sa rehiyon bago matapos ang taon

BNFM Bicol- TARGET ng Department of Health (DOH) Bicol na mabakunahan ang aabot sa 95% na mga kabataan sa rehiyon ngayong kasalukuyang taon.

Ito ang kinumpirma ni DOH-Bicol Immunization Program Manager Dr. Desiree Bricenio, na kung saan ay nilinaw na may mga nakahanda na umanong iskedyul para sa mga aktibidad na kanilang isasagawa para mapalakas ang pangangasiwa ng mga immunization drives sa iba’t ibang mga probinsya sa kabikolan.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Inaasahan naman ng naturang ahensya ang pagdating ng mahigit sa 50,000 mga bakuna na gagamitin sa bakunahan sa mga paaralan, health facilities at iba pang mga supplemental immunization activities hanggang sa katapusan ng taon. ### Nico Merciales, Intern

Read More:  Dumanjug Mayor’s driver’s license suspended for 90 days after viral crash in Cebu

Photo from Web