Grade 9 student sa Camarines Sur  natagpuang patay

CAMARINES SUR- Wala nang buhay nang matagpuan ang isang Grade 9 student sa Pasacao, Camarines Sur bandang ala-una ng hapon nitong Martes Agosto 1 sa Barangay Balogo.

Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News FM Naga sa Pasacao Municipal Police Station, nag-paabot ng impormasyon ang isang residente ukol sa nakita niya sa masukal na parte ng lugar habang nag-iikot siya sa kaniyang lupain.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Base sa sitwasyon at posisyon, sinabi ng PNP na kinitil ang sariling buhay.  Nakausap na ng pulisya ang mga kaanak nito, nasa Maynila naman ang mga magulang.

Ikinabigla ng mga kaibigan ng estudyante na aabot sa nasabing sitwasyon ang dinadalang problema.

Sa balita sinadyang hindi banggitin ang mas detalyadong naging pamamaraan ng biktima, base sa guidelines ng World Health Organization (WHO) na ipinapasunod sa Suicide Reporting.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Sa mga may problema at may nais makausap bukas ang crisis hotline ng Department of Health Bicol:

SMART: 0919-583-4322

GLOBE: 0927-844-1677

DITO: 0991-730-6292