Ininspeksyon ng Department of Public Works and Highways, Zambales 1st District Engineering Office at ni Zambales 2nd District Representative Bing Maniquiz ang mgaflood control structures sa probinsya.
Kabilang dito ang Bucao Flood Control sa Brgy. San Juan at Brgy. Carael, Botolan, Zambales, ang Sto. Tomas River Flood Control sa Brgy. Paite, San Narciso at ang Maculcol River Flood Control sa Brgy. Manglicmot San Felipe.
Siniguro naman ni District Engineer Hermon Ines na ginagawa ng DPWH maintenance team ang mga kinakailangan para maayos ang mga istruktura na nasira ng mga bagyong Dodong, Egay at Falcon.
Samantala, nakipag-ugnayan rin ang inspection team sa mga lokal na opisyal ng mga lugar na naapektuhan ng bagyo at pinag-usapan ang mga restoration works na gagawin.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
PHOTO: DPWH Regional Office III