Grade 12 student, sugatan matapos barilin ng sumpak ng kanyang pinsan sa Sariaya, Quezon

Sugatan ang isang 20-anyos na lalaki matapos itong barilin ng sumpak sa Barangay Bignay 2, Sariaya, Quezon nitong Martes, Enero 23.

Sa isinagawang imbestigasyon ng mga awtoridad, nakasakay noon sa motorsiklo ang biktima nang parahin ito ng kanyang pinsan saka ito walang anu-anong binaril gamit ang isang sumpak o improvised shotgun.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Samantala, isinugod naman sa hospital ang biktima para malapatan ng lunas habang tumakas naman ang suspek.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Personal na galit ang tinitingnang motibo ng mga awtoridad sa nasabing pamamaril.

Samantala, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon hinggil sa insidente.