Grade 12 student – patay matapos malakadkad ng tren sa Daraga, Albay

Patay ang isang 17-anyos na dalagita nang matagpuan ito ng mga otoridad kagabi sa isang riles matapos na makaladkad ng isang tren sa Purok 7, Barangay Inarado, Daraga, Albay.

Ang bitkima’y isang Grade 12 student.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi sa kapatid nito na si alyas “Joan”, nasa loob umano ng kanilang bahay ang kanyang kapatid.

Read More:  Drunk brother-in-law kills mother, injures teen over ₱500 debt in Negros Oriental

Subalit noong marinig na ang busina ng tren, mabilis itong tumakbo palabas ng bahay at diretsong humiga sa riles – sakto ding papalapit na ang tren at siya’y nakaladkad.

Dagdag pa niya, posible umanong problema sa love life ang dahilan ng kanyang kapatid, kaya niya nagawa ang bagay na iyon.

Read More:  Chinese MSR vessel and maritime militia spotted in Kalayaan Island Group

Samantala, ayon kay Punong Barangay Roy Marco, ito ang unang beses na nakapagtala sila ng ganitong insidente sa kanilang barangay, at nasa ilalim pa rin ito ng imbestigasyon ng Philippine National Police.

Binigyang diin naman ng opisyal, bilang punong barangay, wala siyang naging pagkukulang sa mga residente pagdating sa pagpapaalalang magdoble-ingat sa pagdaan o pagpunta sa riles. (with reports from ALYZZA BALLON – 91.5 BNFM LEGAZPI)