Umabot na sa P31.93 bilyon ang nai-release na pondo ng Department of Budget and Management para sa taas-sahod ng mga manggagawa sa gobyerno.
Ito’y kasunod ng paglagda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Executive Order No. 64 noong Agosto , na nag-aapruba sa Salary Standardization Law VI para sa lahat ng mga civil service personnel.
Ayon kay DBM Secretary Amenah Pangandaman, hanggang kahapon ng hapon , nai-release ang pondo para sa
257 na mga departamento at ahensiya ng gobyerno gaya ng Congress, Office of the President, Office of the Vice President, Department of Agriculture, DBM, State Universities and Colleges, Department of Education at iba pa.
Habang 58 pang iba ang kasalukuyang pinoproseso.