Gov’t, nakahanda na sa pagpapauwi sa mga Filipino na nasa Ukraine

Nakalatag na ang mga contingency measures para iuwi sa Pilipinas ang mga kababayang posibleng maapektuhan ng standoff sa pagitan ng Ukraine at Russia.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, mahigpit ang kanilang ugnayan ngayon sa kanilang diplomatic posts sa rehiyon hinggil sa plano na pagpapauwi sa mga Filipino sa Ukraine, na nais bumalik ng Pilipinas.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Nabatid na halos na 380 Filipinos ang nakatira ngayon sa Ukraine, na karamihan sa mga ito ay nasa Kyiv at malayo naman mula sa eastern border malapit sa Russia.

Read More:  Padilla renews death penalty call after MC taxi rider killing

Sa gitna nito, patuloy rin ang kumunikasyon ng DFA sa Filipino community, at iba pang governments at international partners hinggil sa mga Filipino nationals na nais ma-relocate sa mas ligtas na lugar.

Maliban dito, nakikipagtulungan na rin ang gobyerno sa European Union para sa pagtitiyak sa safe passage ng mga Filipinos sa buong EU borders. //MHEL PACIA-TRINIDAD