Gov’t employees na mahigit 10 taon na sa serbisyo, bibigyan ng 10 points sa CSC exam

LEGAZPI CITY – Bibigyan ng 10 points sa Civil Service Examination ang bawat empleyado ng gobyerno na mahigit 10 taon na sa serbisyo.

Ito ang binigyang-diin ni Civil Service Commission (CSC) Chairperson Atty. Karlo Nograles, kun saan ayon sakanya, kabilang sa mga entitled dito ay ang mga casual employees, job order, contractual o co-terminos na may lampas 10 taon nang nagtatrabaho sa mga ahensya ng gobyerno.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Aniya, hindi na kailangan pang makuha ang 80% passing rate sa pagsusulit, dahil kahit pa 70% ang makuha nilang rating, otomatiko na itong bibigyan ng bonus points.

Sinabi pa ni Nograles, ito ay upang bigyang pagkilala at pagpapahalaga ang mga government employees dahil sa malawak nilang karanasan sa trabaho.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Kung tutuusin umano, mas marami ang bilang ng mga job orders, casual at contractual employees sa gobyerno kung ikukumpara sa mga regular na empleyado, kaya’t nararapat lamang na mabigyan sila ng pagkakataong makapasok.

Samantala, ayon kay Nograles, sa pagsimula ng buwan ng Marso ay magkakaroon ng paglobo ng demand na kukuha ng examination.