Arrest warrant vs Bundoquin slay suspect, inilabas na

Inilibas na ng Regional Trial Court sa Calapan City, Oriental Mindoro ang warrant of arrest laban sa umano’y gunman sa kaso ng pagpatay sa brodkaster na si Cresenciano ‘Cris’ Bundoquin.

Ayon kay Presidential Task Force on Media Security, Undersecretary Paul Gutierrez, ang warrant for murder at attempted murder laban kay Isabelo Lopez Bautista ay nilagdaan noong July 6, 2023, ni Judge Josephine Caranzo, ng Regional Trial Court Branch 39 sa Calapan City.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Walang inilaang piyansa sa kinakaharap na kasong murder ni Bautista samantalang 120 thousand naman ang piyansa na inilaan ng korte sa kasong attemoted murder.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Si Bautista ay positibong kinilala ng hindi bababa sa 3 saksi na umano’y bumaril at pumatay kay Bundoquin noong umaga ng May 31, habang ang biktima, kasama ang kanyang asawa at anak, ay nagbubukas ng kanilang tindahan.

Maaalalang kamakailan, kusang sumuko sa National Bureau of Investigation – National Capital Region (NBI-NCR) ang suspek na si Bautista para linisin ang kanyang pangalan.