Gold Trailblazer Award, nakamit ng Southern Isabela Medical Center

Pinarangalan ang Southern Isabela Medical Center ng Gold Traiblazer Award matapos ang naganap na Public Governance Forum na pinangunahan ng Institute of Solidarity in Asia na tumutukoy sa kontribusyon ng pagamutan hinggil sa Philippine Healthcare.

Ang PGF ay isang programa na kumikilala sa mga pampublikong institusyon na ipakita ang kanilang mga nagawa sa pagbibigay ng maayos at dekalidad na serbisyo sa mamamayang Pilipino.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Nakamit ng SIMC ang compliant status, ang pangalawang stage ng Performance Governance System kung saan iprinisinta ni Medical Center Chief, Dr. Melchor Dela Cruz, Jr. ang magiging 500-bed Multi-Specialty Apex Hospital na maseserbisyuhan ang mga residente ng Isabela, Northern Nueva Vizcaya, Quirino, Northern Ifugao, at Eastern Mountain Province.

Aniya, umayos din ang ilang serbisyo ng hospital tulad ng kanilang dermatology, geriatric care, eye care, at cancer care.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Bilang bahagi naman ng usufruct agreement ng SIMC sa Isabela State University ang pagkuha ng lupang tatayuan ng Bagong Urgent Care and Ambulatory Service (BUCAS) Center, multi-specialty facility at iba pang pangunahing proyekto ng hospital na tutugon sa lumalaking pangangailangan sa pag-aalaga ng pangkalusugan sa rehiyon.