8 establisyemento, nilagyan ng show cause order ng SSS Cotabato City

WALONG mga employer sa lungsod na may problema sa remittance share ang hinainan ng show cause order ng mga kawani ng Social Security System o SSS Cotabato City Branch kasabay simultaneous Run Against Contribution Evaders program ng ahensya.

Ayon kay SSS Cotabato City Branch Manager Orly “BONG” Mabinay, abot sa higit kumulang P5,000.000.00 delinquency sa kanilang collection kung saan P1,200,000.00 pa lang ang nakapagbayad o nakapag-iremmit sa pamamagitan ng installment basis.

Read More:  Mother killed in alleged stabbing by son in Cebu

Una na dito ay binigyan ng Notice of Delinquency ng SSS ang mga employers na hindi pa nakakapag-comply bago sila nabigyan ng Show Cause Order at kapag hindi pa rin makapag-comply ang mga ito ay iaakyat na ng ahensya ang issue sa kanilang legal department.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Ipinaliwanag naman ni SSS South Mindanao III Vice President Redentor Viola na ang RACE ay upang maagang malaman ng mga employers ang kanilang mga obligasyon sa mga emplyedo na bayaran ng tama at napapanahon ang kanilang kuntribusyon upang hindi na humantong sa asunto.