Inihayag ni Sen. Christopher Bong Go na patuloy na natututo at nag-iimprove ang pamahalaan sa pagtugon nito sa COVID-19 pandemic.
Ayon Go patunay dito ang naging pahayag ni President Rodrigo Duterte sa kanyang huling SONA kung binigyan pagkilala nito ang kahalagahan ng pagtatayo ng Center for Disease Prevention and Control and the Virology at Vaccine Institute of the Philippines.
Paliwanag ng Senador wala umanong makapagsasabi kung mayro’n pang pandemyang darating sa ating buhay kaya’t kailangan nating maging proactive.
Ang Philippine CDC ang magiging pangunahing ahensya ng gobyerno na magpapatupad ng mga communicable disease control and prevention measures.
Nabatid na noong May 4, 2021, inihain ni Go ang Senate Bill No. 2158 na nagsusulong sa pagtatag ng Philippine Center for Disease Control and Prevention.
