Gobyerno, paiigtingin ang pagsugpo sa kagutuman sa gitna ng pagbaba ng bilang ng mga nagugutom sa bansa

Sa kabila ng patuloy na pagbaba ng bilang ng mga nagugutom sa Pilipinas, iginiit ng pamahalaan na kailangan pa ring paigtingin ang mga hakbang para masugpo ang kagutuman ngayong hindi pa tuluyang nagbubukas ang ekonomiya dahil sa COVID-19.

Ito ang binigyang diin ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na nagsabing ang pagbawas at paglaban sa malawakang kagutuman ay top concern pa rin ng Duterte administration ngayong kailangang gumawa ng iterventions para maibsan ang epekto ng pandemya sa hanap buhay ng mga Pilipino.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Ayon kay Nograles, head ng Zero Hunger Task Force, ang 3.2 percent na pagbaba sa involuntary hunger ay ikinukunsiderang improvement ngayong nangyari ito sa loob lamang ng dalawang buwan.

Mababatid na sa survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) mula April 28 hanggang May 2, lumabas na 16.8 percent ng mga pamilya, o 4.2 milyong pamilya ang nakakaranas ng kagutuman, at sa isinagawang survey mula June 23 hanggang 26, bumaba ang bilang sa 13.6 percent o tinatayag 3.4 milyong pamilya.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Binigyang diin ng kalihim na ang pagbaba ng overall hunger sa mga nagsasabing sila ay mahirap mula 23.5 percent hanggang 15.7 percent ay indikasyon na nakakabenepisyo ang mga talagang nangangailangan sa mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan para mabuksan muli ang ekonomiya pati na ang mga anti-hunger interventions.