Gobyerno ng Pilipinas – dinepensahan ang pagpapalakas ng ugnayan sa Amerika at sa Japan

Pinalagan ng Gobyerno ng Pilipinas ang naging pagkontra ng China sa nagiging matibay na relasyon ng Pilipinas, kasama ang Amerika at Japan.

Kasunod ito ng naging kritisismo ng China sa katatapos lang na trilateral summit sa pagitan ng tatlong mga bansa.

Sabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) – isang ‘sovereign choice’ ang pagpapatibay ng ugnayan ng tatlong bansa.

Ang payo ng DFA – dapat ay mag-reflect ang China sa mga aksyon nito.

Maalalang ilan sa mga napag-usapan sa trilateral summit sa pagitan ni Pangulong Bongbong Marcos, US President Joe Biden, at Japanese Prime Minister Fumio Kishida, ay ang pagpapalakas ng interoperability ng mga bansa; at pati na rin ang pagtutol nila sa ginagawang harassment ng China sa West Philippine Sea.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *