Gobyerno, aminado na kulang pa rin ang COVID-19 testing sa bansa

Kinilala ng gobyerno na kulang pa rin ang ginagawang COVID-19 tests ng Pilipinas at ang pangangailangan na magbayad ang state medical insurer na PhilHealth na magbayad para sa screening laboratori.

Gayunman, sinabi ni National Task Force Against COVID-19 deputy chief implementer Vince Dizon na nagsasagawa ang Pilipinas ng tinatayang 60,000 COVID-19 tests kada araw, na mas mataas kumpara sa 50,000 noong mga nakalipas na buwan.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Ipinunto naman ni Dizon na bumagal ang testing operations sa bansa matapos tamaan ng COVID-19 surges ang mga tauhan na humahawak nito.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Iginiit rin niya na malaking hamon sa bansa ang nakabinbin na reimbursement ng PhilHealth para sa mga laboratories, na pansamantala nitong aakuhin para sa libreng tests sa mga kwalipikadong indibidwal.

Hindi naman binanggit ni Dizon kung magkano ang utang ng PhiliHealth.