Go umapela sa publiko na makipagtulungan para labanan ang Delta variant

Umapela si Senator Christopher “Bong” Go sa mga Pilipino na makipagtulungan at sumunod sa mga ipinapatupad na health and safety protocols ng gobyerno upang malabanan ang COVID-19 delta variants.

Sa kanyang pagbisita sa Davao City para mamamahagi ng ayuda sa mga mga biktima ng sunog, sinabi ni Go NA mas mapanganib at nakakahawa ang naturang variants.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Inihalimbawa ng Senador ang kasalukuyang sitwasyon sa bansang Indonesia na nakakaranas ng COVID-19 surge bunsod ng Delta variants.

Iginiit din ni Go na hindi porket bakunado na ay pwede nang hindi sumunod sa health protocols dahil maari pa rin itong makahawa sa mga hindi pa natuturukan ng bakuna kontra COVID-19.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Binigyan diin pa ni Go na mahirap na mag-back to zero uli at magpatupad ng ECQ, dahil labis nang apektado ang ekonomiya, marami mawawalan ng trabaho, maraming negosyo ang magsasara, at tataas na naman ang unemployment rate sa bansa.