Go – umapela kay Recto na tiyaking walang maiiwan sa gagawing economic recovery

Naniniwala si Senador Christopher “Bong” Go na maituturing na isang experienced na economist at mambabatas si bagong Department of Finance (DOF), Secretary, Ralph Recto.

Kaugnay nito, umapela siya rito na tiyaking walang maiiwang Pilipino sa gagawing pagmamartsa ng economic recovery ng bansa.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Ito ay matapos banggitin ni Recto na target niyang makalikom ng P4.3 trilyon na taxes para sa susunod na taon.

Umaasa naman din ang senador na patuloy lang ang magiging economic recovery mula noong pandemya at panahon ni dating DOF Secretary Benjamin Diokno.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Maalala, sinimulan ni Recto ang kanyang karera sa pulitika bilang 4th district Batangas representative ng Kongreso.