AFP, itinanggi ang ulat sa pagbabawal sa mga retired generals na pumasok ng kanilang kampo

Itinanggi na rin ng Armed Forces of the Philippines ang mga kumakalat na ulat kaugnay sa umano’y pagbabawal sa mga retired generals na pumasok sa kanilang kampo.

Ito’y kasunod ng pahayag ng PNP , na walang katotohanan na pinagbabawalan ang lahat ng retiradong heneral na pumasok sa Kampo Krame.

Read More:  Sen. Gatchalian says he is ready if chosen as SP

Sa isang panayam, sinabi ni AFP Spokeswoman Col Francel Margareth Padilla, may paghihigpit silang ginagawa ngayon sa loob ng AFP, ito’y dahil ang buwan ng Enero ay renewal ng kanilang decals o AFP vehicle pass sticker para ma control ang mga papasok at lalabas na sasakyan.

Read More:  Senate minority bloc members want Gatchalian as new SP

Hindi rin daw tamang iugnay ito sa isyu ng destabilisasyon dahil una nang nilinaw ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner na walang namumuong destabilization talks sa hanay ng militar.