Go, pinuri ang EO ni Duterte na nagmo-modify sa reduced tariff rates para sa fresh, chilled o frozen pork

Pinuri ni Senator Christopher “Bong” Go si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapalabas ng Executive Order No. 134 noong May 15, na nagmo-modify sa binawasang taripa ng Most Favored Nation (MFN) para sa fresh, chilled o frozen meat ng pork o swine, bilang tugon sa mga apektadong local hog producers at reklamo ng ilang mambabatas.

Ayon kay Go, malaki ang maitutulong ng naturang hakbang sa local hog producers, na karamihan sa kanila ay nawalan ng kabuhayan dahil sa African Swine Fever.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Giit ng senador, kailangang gawin ng gobyerno ang lahat ng makakaya para pagaanin ang pinapasan ng mga nasa naturang sektor. Una nang nilagdaan ni Duterte ang EO No. 128, na pansamantalang nagbabawas sa taripa ng import duty sa imported pork products, para matugunan ang kasalukuyang nakakulangan sa suplay ng karne, ma-stabilize ang presyo ng pork meat, at mabawasan ang upward pressures sa inflation.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Sa gitna naman ng mga puna dahil sa naturang hakbang, binigyang diin ni Go na maingat na binabalanse ng pamahalaan ang pangangailangan na mas murang presyo ng karne, lalo na’t maraming pamilya ang apektado ng pandemya, at ang pangangailangan na protektahan din ang ating local farmers at ang kanilang kabuhayan