Nag-sponsor si Sen. Bong Go ng local hospital bills na naglalayung mapaganda at madevelop ang public hospitals sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Sa kanyang sponsorship speech sa resumption ng regular session ng Senado, sinabi ni Go na dahil sa COVID-19 pandemic, mas naging conscious ang pamahalaan sa pangangailangan na ma-capacitate at mapaganda ang public health facilities. Partikular na iginiit ng senador ang mga probinsya na kulang na kulang ang mga health facilities.
Maliban dito, binigyang diin ni Go na kailangang mapataas ang hospital bed capacity ng karamihang public hospitals na sinubok ngayong public health crisis, dahilan para magtayo ang mga ito ng modular hospitals.
Ito rin ang dahilan na iginiit ni Go na ang pagpapaganda sa health capacity at delivery sa mga probinsya ay makakatulong na ma-enhance ang kalusugan at overall well-being ng mga Pilipino.