Go, pinuri ang effort ng gobyerno na mapataas ang vaccination sa gitna na tumaas pa ang suplay ng bakuna sa higit 100-M doses

Pinuri ni Senator Christopher “Bong” Go ang COVID-19 pandemic response ng gobyerno, at iginiit na ang suplay ng bakuna sa bansa ay pumapalo na sa mahigit 100 million doses, simula noong unang shipment na dumating noong Pebrero nitong taon.

“Welcome development na umabot na sa higit 100 million doses ng COVID-19 vaccines ang meron tayo sa bansa. Resulta po ito ng mga pagsisikap ng ating gobyerno upang mabakunahan ang lahat ng mga Pilipino at maprotektahan tayo laban sa COVID-19,” saad ni Go.

“Sa kabila nito, hinihikayat ko ang lahat ng mga Pilipino na magpabakuna na lalo na’t bukas na ang programa sa general population. Nasa datos na kapag bakunado ka, mas maiiwasan ang severe na kaso ng COVID-19,” dagdag ng senador.

Read More:  Remulla rebukes Bondoc over ICC warrant service

Binigyang diin naman ng senador na sa kabila na bumababa na ngayon ang bilang ng mga kaso sa Maynila, ay hindi pa rin dapat maging kumpiyansa ang mga tao.

Tinitiyak rin ng mambabatas na makakarating ang bakuna sa mga pinaka nangangailangan upang walang maiwan umano sa muling pagbangon.

Nabatid na ang bansa ay inaasahang makakatanggap ng halos 50 million pang doses bago matapos ang taon, kabilang na ang 10 million COVID-19 shots mula sa COVAX Facility.

Read More:  President Marcos net satisfaction falls to -15

“Kapag mabakunahan na ang lahat ng eligible at maabot na natin ang herd immunity, tuluyan na ring bababa ang mga kaso ng nagkakasakit at mas mabilis tayong makakabalik sa normal na pamumuhay,” paliwanag ng senador.

“Habang pinoproteksyunan natin ang buhay ng mga Pilipino, sinisikap rin nating lutasin ang hirap at gutom na dulot ng pandemya. Kapag protektado ang komunidad gamit ang bakuna, mas makapagtatrabaho na rin ang mga tao at sisigla ang kabuhayan ng lahat,” giit nito.