Muling iginiit ni Senator Christopher “Bong” ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng payapang halalan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Giit ni Go, dapat maging malaya at patas ang halalan, para matiyak na ang kalalabasan ay sumasalamin sa totoong layunin ng electorate.
Binigyang diin pa nito na ang soberenya ng bansa, ay nakasalalay sa mga tao.

Sa gitna nito, pinaalalahanan ng senador ang mga political leaders at mga miyembro ng civil society na magtulungan sa pagbuo ng mga kondisyon na mahalaga sa pagbibigay ng kumpiyansa sa election process na magsisilbi bilang mahalagang hakbang tungo sa recovery at sustained development ng rehiyon at ng buong bansa.
“Suportado po natin ang BARMM dahil isa itong mahalagang hakbang para makamit natin ang matagal nang hinahangad na kapayapaan at kaunlaran hindi lamang para sa mga kapatid nating Muslim kundi sa buong Mindanao,” saad ni Go.
“Sa mga kapatid kong Muslim, ang hinahangad nating long and lasting peace and development ay abot kamay na kung patuloy tayong magtutulungan. Magkaiba man tayo ng pananaw sa politika, pareho lang tayong may takot sa Diyos at may pagmamahal sa ating bayan,” pagpapatuloy pa nito.