Go ikinatuwa ang paglagda ni PRRD ng EO na nagbibigay ng death at burial benefits sa lider ng mga katutubo

Ikinatuwa ni Senador Christopher Bong Go ang ginawang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Executive Order No. 139 na nagbibigay ng awtoridad para magkaroon ng death at burial benefits ang mga Indigenous Peoples Mandatory Representatives o IPMRs sa mga barangay.

Paliwanag ni Go naniniwala siyang malaki ang maitutulong at maidudulot nito sa mga kababayan nating katutubo, lalo na sa mga pamilya ng kanilang mga lider, sa gitna ng kasalukuyang pandemya.

Read More:  At least 29 decomposing dogs and cats found in Bulacan vacant lot

Nakasaad din sa EO 139 na ang naturang kompensasyon ay alinsunod sa Implementing Rules and Regulations ng Republic Act No. 8371, o mas kilala bilang Indigenous Peoples Rights Act.

Nabatid na bago pa man maging senador, dati nang isinusulong ni Go ang kapakanan ng mga katutubo at marginalized sector sa lipunan.

Read More:  PCG investigates source of oil spill in Mariveles, Bataan

Sa katunayan noong nakaraang buwan lamang namigay siya ng ayuda sa mga indigenous communities, mga dating rebelde at mga magsasaka sa Mati City, Davao Oriental sa gitna ng dinaranas nitong kahirapan dulot ng COVID-19 pandemic.