Gloria Romero, binigyang-pugay ng mga kaibigan sa industriya

Binigyan ng tribute ang Philippine movie and television icon na si Gloria Romero, dalawang buwan lang pagkatapos ng kanyang 90th birthday celebration.

Inorganisa ng matalik na kaibigan ni Romero na si Daisy Romualdez ang nasabing party, kasama ang iba pang mga beteranong aktor at aktres, mang-aawit, mambabatas, kaibigan sa industriya at mga kasamahan.

Kasama naman ni Romero ang kanyang anak na si Maritess at apo nitong si Chris.

Ang TV host na si Butch Francisco ang nagho-host ng dalawang oras na event na napuno ng heart-warming performances nina Vina Morales, Christian Bautista, Mark Bautista, Marissa Sanchez at Dulce.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *