Hindi na bago para sa Barangay Ginebra ang pagkakaroon ng isang Justin Brownlee na maglalaro sa import-laden conference na tampok ang malalaking reinforcements.
Kaya naman nang matanong ang two-time grand slam coach na si Tim Cone kung sinu ang kanyang import para sa Commissioner’s Cup, si Brownlee agad ang naging tugon nito.
Ang five-time PBA champion na si Brownlee ay naglaro sa parehong conferences ng Commissioner’s at Governors’ Cup apat na taon na ang nakakaraan.
Pinangunahan rin nito ang Gin Kings para talunin ang San Miguel Beermen sa anim na laro sa kanilang championship series sa Commissioner’s Cup, pero bigo sa kanyang target na makompleto ang three-peat sa Governors’ Cup, nang matalo ang Ginebra sa Magnolia Hotshots Pambansang Manok sa apat na games sa kanilang best-of-five semifinals series.
Sa kabila nito, naging matagumpay naman ang huling dalawang stints nito sa Barangay Ginebra, dahil noong 2019 Governors’ Cup, napanalo nito ang Gin Kings sa five-game series laban sa Meralco Bolts at nang magbalik ang tournament dalawang taon ang nakalipas, ay patuloy ang kanilang pagdomina laban sa kanilang mga paboritong kalaban.
