CAMARINES SUR- Patay ang isang 57-anyos na ginang matapos na tamaan ng kidlat sa Tarusanan , Milaor , Camarines Sur.
Emosyonal na isinalaysay sa Brigada News FM Naga ni Mila Francisco kasama sa pagtatanim ng biktimang si Sonia Petronio, residente ng Tarusanan, Camaligan , bandang alas-dos ng hapon nitong Agosto 22, 2023 nang mangyari ang insidente. Kaunti lamang ang distansya niya sa kaniyang kumare nang bigla itong matumba , tinamaan na pala ng kidlat. Humingi ng tulong si Francisco upang mailigtas sana ang ginang.
Sinabi sa Brigada News FM Naga ni Milaor MDRRM Officer Edwin Olitoquit na dinala sa pagamutan sa Naga ang tinamaan ng kidlat pero sinawimpalad.
Naiwan ni Petronio ang limang mga anak.
Ito na ang pangalawang insidente na may nasawi sa parehong bayan ngayong buwan , Agosto 10 nang masawi ang isang padre de pamilya sa Dalipay, Milaor nang tamaan din ng kidlat habang nagbabantay sa patubig.