Gin Kings nais nang tapusin sa Game 4 ang semifinals series sa Magnolia

Nais nang tapusin ni Barangay Ginebra coach Tim Cone sa Game 4 ang kanilang semifinals series sa Magnolia sa 2022 PBA Commissioner’s Cup.

Tangan ang 2-1 lead, pipilitin ng Ginebra na talunin ang Magnolia sa Game 4 bukas sa MOA Arena sa Pasay City papasok sa PBA Finals.

Read More:  PSC to discuss penalties for online resale of athletes’ Asian Games gear

Nakuha ng Gin Kings ang 103-80  sa Hotshots sa Game Three noong Linggo.

Sa nasabing kabiguan ng Magnolia ay dalawang minuto lamang sumalang sa aksyon si Paul Lee na nagtakas sa kanila sa Game Two mula sa isang buzzer-beating shot.

Read More:  Fuel Masters outlast Bolts to close in on quarterfinal berth

Tumapos si import Justin Brownlee na may 38 points para sa pagresbak ng Ginebra.//CA