Gilas tinambakan ng New Zealand sa FIBA Asia Cup, 92-75

Bigong makabawi ang Gilas Pilipinas mula sa mas malakas na koponan ng New Zealand sa nagpapatuloy na FIBA Asia Cup na ginaganap sa Istorya Senayan sa Jakarta, Indonesia.

Lumuhod ang Gilas sa mga Kiwis sa score na 92-75 dahilan upang magtapos sa 1-2 ang standing nito sa Group D.

Bagama’t nagpamalas ng magandang laro si Kiefer Ravena at Kevin Quiambao mas nanaig pa rin ang mainit na shooting at tangkad ng New Zealand.

Nanguna para sa Pinoy cagers si Ravena na humakot ng 17 points, sina Quiambao at Carl Tamayo ay kapwa nagtala ng 14 points, habang si Ray Parks nagdagdag ng 10 puntos.

Samantala sunod naman na makakalaban ng Gilas ang Japanese team para sa isang knockout game.