3 taga Naga magdadalawang linggo nang nawawala

NAGA CITY- Alalang-alala na ang mga kaanak ng tatlong mga taga Naga , magdadalawang linggo nang nawawala.

Unang nakausap ng Brigada News FM Naga si Jo Plantado, ikinuwento nito Hulyo 6 nang huling makita ang anak na si Shiela Marie , hindi na ito na ko-contact at hindi rin nagpapadala ng mensahe sa text man o messenger.

Aniya ang huling paalam sa kaniya ay pupunta sa Pili, Camarines Sur pero hindi nabanggit kung bakit.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Gamit nito ang kanilang sasakyan na orion black Mitsubishi Adventure may plate number EBY 668. May nakapagsabi na magbabakasyon sa Baguio pero pinagtataka ng pamilya ay hindi ma-contact at masyado  na aniyang matagal kung magbabakasyon nga.

Wala aniya siyang alam na problema ng anak, hindi rin niya ito napagalitan bago ang pangyayari.  Naireport na ito sa PNP.

Kwento naman sa BNFM ni Jessavel Mendoza Mateo, nawawala ang asawa niyang si John Jenus Embile, 25-anyos. Hulyo 6 rin huling Nakita at kasama ito sa sasakyan ni Plantado. Ang alam ni Jessavel pupunta sa Daet , Camarines Norte, base sa salaysay ng kapatid na yinaya pero hindi sumama ang kapatid ni Embile.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Naghahalo na ang kaba at takot ni Jessavel para sa 25-anyos na mister, hindi na nila na-cocontact.

Bukod sa dalawa nawawala rin si Alvin Meliton pero ayon kay Mateo hindi pa nagpapaabot ng report sa PNP ang asawa nito.