Kinanta ng British chart-toppper Ed Sheeran ang bahagi ng kanyang 2017 mega hit “Shape Of You” sa korte, sa harap ng kanyang copyright trial hinggil sa naturang kanta, at iginiit na ang melodies ay maaring magkatunog ang sound, nang hindi kinokopya.
Si Sheeran ay nahaharap sa legal battle sa pagitan ng grime artist Sami Chokri, na nagperform bilang Sami Switch, at music producer Ross O’Donoghue, na nag-giit na ang “Shape of You” ay mula sa ilang linya at phrases ng kanilang 2015 song na “Oh Why.”

Ayon kasi kay Chokri at O’Donoghue na ang “Oh I” hook sa “Shape Of You” ay kapareho sa “Oh Why” hook sa kanilang kanta, na posibleng narinig umano ni Sheeran ang kanilang track.
Pero paliwanag ni Sheeran, ang pagkakapareho sa pagitan ng “Oh Why” at “Oh I” hooks ay pareho umano itong pentatonic scales at gumagamit ng vowels.