Sisimulan na ngayong araw ng Gilas Pilipinas ang kanilang kampanya para sa 2025 FIBA Asia Cup Qualifiers.

Gaganapin ang kanilang unang laro laban sa Hong Kong, sa Tsuen Wan Stadium sa Hong Kong mamayang alas-otso ng gabi.
Inaasahang ipakita ng mga manlalaro ang kanilang beteranong presensya, kabilang na ang PBA Best Player of the Conference na si CJ Perez, kasama sina Scottie Thompson, Jamie Malonzo, Calvin Oftana, Chris Newsome, at Japeth Aguilar.
Samantala, ang larong ito ang magsisilbing comeback ni Justin Brownlee mula sa three-month provisional suspension matapos mabigo sa drug test noong Oktubre para sa Asian Games.