Gilas, pasok na sa Finals

Naging makasaysayan ang laro ng Gilas Pilipinas kahapon laban sa China, dahil nagdala ito sa kanila sa finals ng men’s baskebtall competition ng Asian Games.

Naging mainit ang laban dahilk nagtapos ang laro sa final score na 77-76.

Nakatakda namang harapin ng Pilipinas ang Jordan sa Biyernes para sa isan rematch.

Ito ang magsisilbing kauna-unahang Asian Games Top4 appearance ng Pilipinas mula pa noong 1990 edition na ginanap din sa China.