Gilas kinapos sa Jordan

Kinapos ang Gilas sa score na 91-90 sa katunggali nilang Jordan sa Fiba World Cup Asian Qualifiers game ngayong gabi.

Sa second period ng kanilang laban, nagtala ng  25 puntos na kalamangan ang Jordan sa Pinoy cagers.

Sa pagtatapos ng third period, naibaba na ang lamang ng Jordan sa anim, hanggang sa maiposte na ng Gilas ang  81-81 ang score. Sa nalalabing 1:48 oras sa laro, naitabla ng Gilas ang laban sa 88. Pero nakuha na naman ng Jordan ang lamang sa , 91-88.

Read More:  Aurora Gaming PH wins MPL Philippines Season 18 title

Kaagad naman na tinapyasan ng short jumper ni Brownlee ang lamang ng Jordan sa nalalabing 1:30 oras ng laro, 91-90.

Read More:  Alex Eala dominates British wildcard Stojsavljevic, advances to Pan Pacific Open Round of 16

Sa kabuuan ng Asian qualifiers, nakapagtala ang Gilas Pilipinas ng anim na panalo at apat na talo. Pero bilang host ng World Cup kasama ang Japan at Indonesia, pasok na ang bansa sa World Cup na gaganapin sa Agosto.//CA