US, inaprubahan na ang 4th COVID-19 shot para sa higit-50s

Inaprubahan na ng United States ang pang-apat na dose ng Pfizer-BioNTech o di naman kaya’y Moderna COVID-19 vaccines para sa mga taong may edad 50 pataas, sa gitna ng babala ng mga otoridad ng posibleng bagong wave na dulot ng BA.2 variant.

Ayon sa US Food and Drug Administration (FDA), ibinase nila ang kanilang desisyon sa emerging evidence na ang karagdagang booster, na ibinibigay apat na buwan matapos ang huli, ay nakadaragdag ng proteksyon laban sa severe COVID-19 at walang kinalaman sa karagdagang safety concerns.

Samantala, ang mga tao naman umano na may immunocompromised conditions na nakatanggap na ng kanilang pang-apat na shots, ay eligible na para sa fifth dose.

Mababatid na ang Pfizer vaccine ay available para sa mga immune compromised people na may edad 12 pataas, habang ang Moderna vaccine ay available para naman sa mga 18-taong gulang pataas. //MHEL PACIA-TRINIDAD