“Tough” at “compassionate leadership” na nagpaganda sa buhay ng milyon-milyong Pilipino sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ganito ilarawan ni Cabinet Secretary Karlo Nograles si Pangulong Duterte kaya ito naupo sa pwesto dahil sa kanyang pangako na TAPANG at MALASAKIT.
“His legacy is a tough and compassionate leadership that produced gains which reduced poverty and laid a solid foundation for the country’s continued economic growth.”
Paliwanag ni Nograles, bago ang COVID-19 pandemic, mula 2016 hanggang 2019, anim na milyong Pilipino ang naiahon sa kahirapan, habang ang poverty incidence rate ay bumaba sa 16.7% noong 2018 mula sa 23.5% noong 2015.
Ayon sa opisyal, ang mga programa at hakbang na inilatag ng gobyerno ay nagpapakita ng pagkahabag ng Duterte government, habang ang mga direktiba ng pangulo ay nagpapakita ng kanyang pagiging toughness at political will.
“Kitang-kita ang malasakit, the compassion for the sick, the needy, the hungry, and the homeless. Universal Health Care was extended to 110 million Filipinos, 127 Malasakit Centers with over 2 million beneficiaries of medical assistance were put up, and comprehensive hunger and malnutrition programs including the creation of the National Food Policy, among others, were put in place,” giit ni Nograles.
Dagdag ni Nograles, nasa 929,000 pamilya ang nabigyan ng socialized housing, habang mahigit tatlong milyong pamilya ang nabigyan ng access para sa malinis at ligtas na tubig mula sa Sagana at Ligtas na Tubig of the Assistance to Municipalities program.
Binigyang diin rin ng dating mambabatas, na naging tough ang Duterte Administration sa krimen at ilegal na droga, kung saan sa ngayon, nasa 21,891 na mga barangays na ang drug free, 59.14 billion pesos na halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska at 289,622 indibidwal ang naaresto, 784 drug dens ang na-raid, at 1,222,363 drug users ang mga sumuko.
