DOH, nagtala ng 6,664 new COVID-19 cases

Isa na namang 6,664 na mga bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa bansa, dahilan para sumipa ang kabuoang infections sa 1,555,396.

Ayon sa Department of Health, mula sa nationwide tally, 55,140 ang active cases, kung saan 93.6% ang mild symptoms, 1.1% ang asymptomatic, 1.4% ang nasa kritikal na kondisyon, 2.3% ang may severe symptoms, at 1.61% ang nakakaranas ng moderate symptoms.

Samantala, 23 pang pasyente ang pumanaw mula sa COVID-19, dahilan para tumaas ang death toll sa 27,247.

Umakyat naman ang recovery count sa 1,473,009, matapos maitala ang 5,766 na mga bagong survivors.

Hindi naman kasama sa bilang ang resulta mula sa walong laboratoryo na bigong makasumite ng kanilang datos sa COVID-19 Document Repository System. // MHEL PACIA-TRINIDAD