Genome Center, target ang inagurasyon ng mga laboratoryo sa Visayas at Mindanao

Target ng Philippine Genome Center na idaos ang pomal na inagurasyon ng satellite facilities sa Visayas at Mindanao oras na maging pulido na ang kanilang operasyon at protocols.

Inihayag ito ni PGC Executive Director Dr. Cynthia Saloma sa Laging Handa briefing.

Umaasa rin si Saloma na masisimulan na ang reporting doon ng local cases ng Epidemiolgy Bureau na nakabase sa genomic biosurveillance.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Inihayag ni Saloma na nakapaglagay na sila ng sequencing machines sa pasilidad sa Visayas habang sunod naman na mabibigyan nito ang pasilidad sa Mindanao sa susunod na linggo.

Read More:  Romualdez ready to face Ombudsman complaint, says he will answer allegations

Samantala, iginiit ni Dr. Eva Maria Cutiongco-de la Paz, executive director ng University of the Philippines- National Institutes of Health, na ang plano na paigtingin ang kakayahan ng satellite laboratories ay bahagi ng efforts ng bansa na mapalawak ang genome sequencing nito sa gitna ng pag-usbong ng bagong variants.