Tumaas sa 80 ang bilang ng mga tauhan ng main office ng Department of Justice na tinamaan ng COVID-19.
Ayon sa DOJ, 14 sa mga kaso ay aktibo habang gumaling na ang 66 na iba pa.
Sa ngayon ay wala pang naiuulat na fatalities ang DOJ.
Samantala, naitala naman ng main office ang kabuoan na 192 na kaso ng COVID-19 mula nang mag-umpisa ang pandemya.
