Higit isang milyong halaga ng tanim ng marijuana, sinira at sinunog

𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗜𝗟𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗡𝗜𝗠 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗥𝗜𝗝𝗨𝗔𝗡𝗔, 𝗦𝗜𝗡𝗜𝗥𝗔 𝗔𝗧 𝗦𝗜𝗡𝗨𝗡𝗢𝗚 Nagresulta na naman ng pagsira ng 8, 450 na na piraso ng fully grown marijuana ang ikinasang magkahiwalay na operasyon ng PRO-CAR sa Kalinga at Benguet kahapon, ika-29 ng Hunyo taong kasalukuyan.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Sa isinagawang operasyon ng 1st Kalinga Provincial Mobile Force Company, at Tinglayan Municipal Police Station ay narekober ang 8, 000 na piraso ng tanim na marijuana sa Barangay Luccong kung saan nagkakahalaga ito ng P1, 600, 000.

Umabot naman sa 450 fully grown marijuana ang sinira sa Barangay Kayapa, Bakun, Benguet na mayroong standard drug price na P90, 000.

Read More:  Habagat batters Davao Region: 909 families affected, four dead, five missing

Kasalukuyan na ang imbestigasyon ng kapulisan upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga indibidwal sa probinsya na sangkot sa pagtatanim ng marijuana.