Inilabas na ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino ang listahan ng nominees para sa ika-44 na edisyon ng prestihiyosong Gawad Urian.
Nanguna sa mga nominasyon ang sci-fi thriller na “Midnight in a Perfect World” na nakakuha ng siyam, kabilang na ang best picture at best director para kay Dodo Dayao.
Ang “Lahi, Hayop” naman ni Lav Diaz, ay nakakuha ng nominasyon para sa walong kategorya, habang ang “Kintsugi,” “Watch List,” at “Hayop Ka: The Nimfa Dimaano Story” ay nakakuha ng pito bawat isa.
Otomatiko naman na panalo ang “Hayop Ka,” matapos itong maging lone nominee sa best animation category.

Nominado naman para sa Best actress award, sina Charlie Dizon, na nabigyan ng parehong pagkilala para sa parehong pelikula na “Fan Girl,” sa 2020 Metro Manila Film Festival (MMFF) at si Shaina Magdayao, na nabigyan ng best supporting actress award para sa kaniyang parehong role sa “Tagpuan,” sa Christmas festival.
Para naman sa best actor award, ay nominado sina Adrian Lindayag at Keann Johnson, na lead actors ng “The Boy Foretold by the Stars,” na nagwagi ng 2nd best picture sa MMFF.
Inaasahan na gagawin ang awarding ceremony ng 44th Gawad Urian sa October 6, na magkakaroon naman ng live streaming sa YouTube at Facebook page ng organisasyon.