Diskwalipikado ang Filipino wheelchair racer na si Jerrold Mangliwan sa final ng men’s 400 meters – T52 sa 2020 Tokyo Paralympic Games nitong Biyernes na ginanap sa Olympic Stadium.
Nagawa ni Mangliwan na magtapos sa oras na 1:00.80 sa finals, ngunit hindi ito tinanggap ng mga opisyal dahil sa lane infringement.

Sa ilalim ng World Para Athletics rule 18.5a, ay pinagbabawalan ang mga kalahok na lumabas sa kanilang lane.
Ang oras na naitala ni Mangliwan ay ang ikalimang pinakamabilis sa paligsahan na napanalunan ni Sato Tomoki Sato ng Japan na nagtapos sa 55.39 second.
Samantala, inaasahan naman ang paglahok ni Mangliwan sa men’s 1500m T2 at men’s 100m T52.