Humirit ng rematch si dating WBC world featherweight world champion Gary Russell Jr. kay Mark Magsayo.
Matatandaan na noong nakaraang buwan nang magharap sa ring ang dalawa, kung saan si Magsayo ang nanalo sa pamamagitan ng majority decision, dahilan para makuha ang WBC featherweight world title.
Sa gitna nito, nahaluan ng kontrobersiya ang laban dahil lumaban si Russell nang may iniindang injury sa kanang balikat, at hindi nakapagbitiw ng suntok mula sa round six hanggang sa matapos.

Kaugnay nito, naniniwala si Russell na siya ang mananalo sa laban na iyon kung wala lang umano siyang injury.
Sa kabila nito, para kay Russell siya ang panalo sa larong iyon, gamit lang ang isang kamay. //MHEL PACIA-TRINIDAD