Hinahangaan ngayon ang isang sampong taong gulang na bata mula Olongapo City matapos nitong makuha ang gintong medalya sa 4th Copernicus International Math Olympiad.
Ang kompetisyon ay idinaos sa Columbia University sa New York, USA nakalipas na July 9 hanggang 13.
Siya ay ang incoming Grade 5 student na si Francis Deinmel Legaspi ng Special Education Center for the Gifted Kalayaan sa Subic Bay, Freeport Zone.
Nangibabaw ang galing ng batang Pinoy laban sa nasa isandaang mga partisipante mula sa dalawamput dalawang bansa.
Laking pasasalamat ng kanyang amang si Dennis Legaspi sa mga suporta sa anak na dati na ring nagwagi sa iba’t ibang international math competition.
Pinasalamatan nito sina Sen. Sonny Angara, si School Principal Abdon Bayla at Math Coach Ricardo Quejado.
Ang Copernicus Olympiad ay isang international competition para sa mga estudyante mula 3rd hanggang 12th grade na nagtatagisan ng galing sa mathematics at astronomy.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
PHOTO: Sir Dennis Legaspi
