Gale warning nananatiling nakataas sa Camarines Norte, Coast Guard nag abiso sa mga maliliit na bangka na huwag na munang pumalaot

CAMARINES NORTE- Dalawang araw nang nakataas ang gale warning sa lalawigan ng Camarines Norte dahil sa hindi kagandahang lagay ng panahon.

Kaugnay nito ay nag abiso ang Philippine Coast Guard Station lalo na sa mga mangingsida na maliliit ang bangka na huwag na munang pumalaot.

Batay sa Sea Travel Advisory ng Camarines Norte Coast Guard Station, strong to gale force winds dahil sa Northeast Monsoon ang aasahang makakapaekto sa karagatang sakop ng lalawigan.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Magiging maalon hanggang sa napakaalon ang kundisyon ng karagatan na may taas ng alon na nasa 2. 8 hanggang 4.5 meters.

Dahil dito inaabisuhan ang mga bangkang mas mababa sa 250. G.T na iwasan muna ang pagpalaot hangga’t hindi bumubuti ang panahon.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Ang mga turista naman na magtutungo sa mga tourist destination sa probinsiya ay hindi rin papayagang maglayag.

Una nang sinabi ng Coast Guard na kapag ganitong may gale warning ay hindi papayagan ang island hopping at pagtungo sa mga isla dahil masyadong mapanganib.