AFP – tiniyak ang imbestigasyon sa recruitment ng Chinese companies sa mga sundalong Pinoy

Nakikipagtulungan na ang Armed Forces of the Philippines sa iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan sa pagsasagawa ng imbestigasyon para alamin ang katotohanan sa ulat ng umano’y pagre-recruit ng mga hinihinalang Chinese companies sa mga sundalong Pinoy.

Sa Bagong Pilipinas Program, sinabi ni AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, inaalam din nila kung mayroong mga dati at aktibong Filipino military personnel ang na-recruit dito.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Ayon kay Col. Padilla , ang social media page ay tinake-down na ngunit nakapag secure sila ng screenshots ng mga sumubok na mag-apply dito online.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Maaalalang, nauna nang inilahad ng Department of Information and Communications Technology na nangangalap umano ang hinihinalang Chinese companies na nagpapanggap na American o European enterprises, ng aktibo at mga dating miyembro ng Philippine military.

Inaalok umano ng mga kumpanya ang kanilang target Filipino recruits ng part-time jobs bilang analysts online.