Gabriela – nanindigang dapat maimbestigahan ang insidente

Nanindigan naman si Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas na hindi sapat ang pagso-sorry ni National Bureau of Investigation (NBI) Dir. Medardo de Lemos sa isyu ng pagsasayaw ng isang babae sa kanilang mid-year command conference.

Ayon kay Brosas, nakagagalit na ang NBI pa mismo ang nasangkot sa ganitong pambabastos sa kababaihan.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Sabi ng mambabatas – ang NBI pa ang promotor ng exploitation sa kababaihan, gayong sila pa dapat ang humahawak at nagi-imbestiga sa mga sex scandal case na bumibiktima sa mga kababaihan at mga kabataan.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Dahil dito, nanindigan si Brosas na dapat ay may managot, at magkaroon ng independent na imbestigasyon sa insidente.

Pianghahandaan naman ni Makabayan bloc member ang pagfa-file ng resolution sa Kamara para makapagsagawa ng legislative inquiry tungkol dito.