Casilao: Pangakong P20/kilo na bigas napako

Dismayado si dating Anakpawis party-list rep. Ariel Casilao kay Pangulong Bongbong Marcos matapos na hindi nito matupad ang ipinangakong P20 na presyo ng bigas sa merkado.

Sa panayam ng Brigada NewsFM kay dating Cong. Casilao, sinabi nito na hindi nila nakikitang mangyayari ang ipinagako ni Pangulong Marcos sa State of the Nation Address (SONA) noong nakalipas na taon.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Samantala, isinisisi ni Casilao ang usapin sa importasyon kung bakit bumabaha ang ilang agricultural products na ngayon ay malaki na ang epekto sa mga local producers.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Kung maalala, nag-viral kamakailan ang mga nabubulok at nakakalat ng sobrang supply ng Pinya at Kalasa habang balak namang mag-import ng bansa ng ibang produkto kagaya ng asukal at sibuyas.