Pagbaba ng bilang ng mga walang trabaho, ikinagalak ni PBBM

Ikinagalak ni Pangulong Bongbong Marcos ang inilabas na datos ng Philippine Statistics Authority o PSA hinggil sa pagbaba ng bilang ng mga Pinoy na walang trabaho.

Mula raw kasi sa 17% na nadatnan nyang unemployment rate, ay naging single digit na lamang ito sa ngayon na nasa 6%.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Sinabi ni Pangulong Marcos, na mahalaga ang tuloy tuloy na economic activity para mas marami pang mabigyan o magkaroon ng trabaho.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Kaya naman pinagbubuti rin ng pamahalaan na gawing investor friendly ang bansa para mas maraming local and foreign investor ang maengganyong mamuhunan sa Pilipinas.