Funeral convoy kay PNoy, daan sa C-5, SLEX papuntang Manila Memorial

Isasagawa bukas ng umaga ang funeral mass para kay dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa Church of the Gesu sa Ateneo De Manila University.

Ang misa na isasagawa sa alas 10:00 ng umaga ay pangungunahan ni Archbishop Socrates Villegas.

Read More:  Palace assures stable prices for 190 basic goods until year-end

Matapos nito, dadalhin ang mga abo ng dating pangulo sa Manila Memorial Park sa Sucat, Parañaque para doon ihimlay, kung saan dadaan ang convoy ni Aquino sa C5 papuntang SLEX hanggang sa makarating sa Manila Memorial.

Inaabisuhan naman ang mga indibidwal na nais magbigay ng kanilang huling galang sa mga dadaan ng convoy na sundin ang health protocols laban sa coronavirus disease 2019.

Read More:  PCG logs over 37,000 passengers at seaports on first day of Undas 2026

Si Aquino, na 61-taong gulang na pumanaw noong Huwebes dahil sa renal disease secondary to diabetes, ay ililibing katabi puntod ng kanyang mga magulang na sina dating Senator Benigno “Ninoy” Aquino Jr. at dating Pangulong Corazon Aquino